hindi ako kinikilig. nandidiri ako. hindi ako nababaitan. napaplastican ako. hindi ako nacucoolan. napoposeran ako. hindi ako natutuwa. nabibwisit ako.
bakit ako negative pagdating sa mga love life eklavoo na yan? hindi naman hiwalay parents ko. hindi naman ako sawi. hindi naman masama ang mga lalakeng nakapaligid sakin. at lalong hindi naman ako galit sa mundo. kadalasa'y optimistic naman ako, liban lang talaga sa masalimuot na paksang ito. ayos ah, i read that back and it kinda rhymes... o anyway, back to it...
hindi talaga. tibo kaya ako? well hindi dahil wala akong crush na babae at mahilig ako sa lalake (no malice intended). i wonder if i'd ever find a guy that i can be "kilig" over and still feel comfortable with. well as long as he doesn't get all googly- eyed and pathetically quixotic, he'd do.
shit, ang pangit. i can't blog like that. haha. di bagay eh. i tried and failed so please, never mention that to me agiain. anyway, andami kong nakain kanina dahil i have this weird belief that if i stuff myself with as much as my stomach could handle (and my friends know how much that is), then i'd get well. so ayon, kumain ako ng shawarma rice meal with extra shawarma at sangkaterbang pancit. pero heto, may sakit pa rin ako at i've used up two rolls of tissue. malala. yesterday i tried to overdose myself with decolgen but it didn't work. i'm running out of home remedies! help!